Juan 7

Sa kabila nito, marami pa rin ang sumampalataya sa kanya. Sinabi nila, “Siya na nga ang Mesias! Sa palagay nʼyo baʼy mayroon pang ibang darating na makagagawa nang higit pa kaysa sa mga himalang ginagawa ng taong ito?”

John 7:31 (UKJV) And many of the people believed on him, and said, When Christ comes, will he do more miracles than these which this man has done?

29ngunit kilala ko siya dahil nanggaling ako sa kanya, at siya ang nagsugo sa akin.”

30Dahil sa mga sinabi niyang ito, gusto na sana siyang dakpin ng mga pinuno ng mga Hudyo, ngunit walang humuli sa kanya dahil hindi pa dumating ang oras niya.

31Sa kabila nito, marami pa rin ang sumampalataya sa kanya. Sinabi nila, “Siya na nga ang Mesias! Sa palagay nʼyo baʼy mayroon pang ibang darating na makagagawa nang higit pa kaysa sa mga himalang ginagawa ng taong ito?”

32Narinig ng mga Pariseo ang usap-usapan ng mga tao tungkol kay Hesus. Kaya inutusan nila at ng mga namamahalang pari ang mga guwardiya ng Templo na dakpin si Hesus.

33Sinabi ni Hesus, “Sandali nʼyo na lang akong makakasama. Malapit na akong bumalik sa nagsugo sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.