31Sa kabila nito, marami pa rin ang sumampalataya sa kanya. Sinabi nila, “Siya na nga ang Mesias! Sa palagay nʼyo baʼy mayroon pang ibang darating na makagagawa nang higit pa kaysa sa mga himalang ginagawa ng taong ito?”
32Narinig ng mga Pariseo ang usap-usapan ng mga tao tungkol kay Hesus. Kaya inutusan nila at ng mga namamahalang pari ang mga guwardiya ng Templo na dakpin si Hesus.
33Sinabi ni Hesus, “Sandali nʼyo na lang akong makakasama. Malapit na akong bumalik sa nagsugo sa akin.
34Hahanapin nʼyo ako, ngunit hindi nʼyo ako makikita, dahil hindi kayo makakapunta sa pupuntahan ko.”
35Nagtanungan ang mga Hudyo, “Saan kaya niya balak pumunta at hindi na raw natin siya makikita? Pupunta kaya siya sa mga lugar ng mga Griyego kung saan nakakalat ang mga kapwa nating Hudyo? Mangangaral din kaya siya sa mga Griyego?