Juan 7

Ang tubig na nagbibigay-buhay na tinutukoy ni Hesus ay ang Espiritu na malapit nang tanggapin ng mga sumasampalataya sa kanya. Hindi pa naipagkakaloob ang Espiritu nang panahong iyon dahil hindi pa bumabalik si Hesus sa kanyang kaluwalhatian.

John 7:39 (UKJV) (But this spoke he of the Spirit, which they that believe on him should receive: for the Holy Spirit was not yet given; because that Jesus was not yet glorified.)

37Nang dumating ang huli at pinakamahalagang araw ng pista, tumayo si Hesus at sinabi nang malakas, “Ang sinumang nauuhaw ay lumapit sa akin at uminom.

38Sapagkat sinasabi ng Kasulatan na dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay mula sa puso ng sinumang sumasampalataya sa akin.”

39Ang tubig na nagbibigay-buhay na tinutukoy ni Hesus ay ang Espiritu na malapit nang tanggapin ng mga sumasampalataya sa kanya. Hindi pa naipagkakaloob ang Espiritu nang panahong iyon dahil hindi pa bumabalik si Hesus sa kanyang kaluwalhatian.

40Maraming tao ang nakarinig sa sinabing iyon ni Hesus, at sinabi ng ilan sa kanila, “Siya na nga ang Propeta na hinihintay natin!”

41Sinabi naman ng iba, “Siya na nga ang Mesias!” Ngunit may mga nagtanong, “Hindi siya ang Mesias, dahil hindi maaaring manggaling ang Mesias sa Galilea.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.