Juan 7

Sinabi naman ng iba, “Siya na nga ang Mesias!” Ngunit may mga nagtanong, “Hindi siya ang Mesias, dahil hindi maaaring manggaling ang Mesias sa Galilea.

John 7:41 (UKJV) Others said, This is the Christ. But some said, Shall Christ come out of Galilee?

39Ang tubig na nagbibigay-buhay na tinutukoy ni Hesus ay ang Espiritu na malapit nang tanggapin ng mga sumasampalataya sa kanya. Hindi pa naipagkakaloob ang Espiritu nang panahong iyon dahil hindi pa bumabalik si Hesus sa kanyang kaluwalhatian.

40Maraming tao ang nakarinig sa sinabing iyon ni Hesus, at sinabi ng ilan sa kanila, “Siya na nga ang Propeta na hinihintay natin!”

41Sinabi naman ng iba, “Siya na nga ang Mesias!” Ngunit may mga nagtanong, “Hindi siya ang Mesias, dahil hindi maaaring manggaling ang Mesias sa Galilea.

42Hindi baʼt sinasabi ng Kasulatan na ang Mesias ay manggagaling sa lahi ni David, at ipapanganak sa Bethlehem na bayan ni David?”

43Kaya iba-iba ang paniniwala ng mga tao tungkol kay Hesus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.