Juan 7

Hindi baʼt sinasabi ng Kasulatan na ang Mesias ay manggagaling sa lahi ni David, at ipapanganak sa Bethlehem na bayan ni David?”

John 7:42 (UKJV) Has not the scripture said, That Christ comes of the seed of David, and out of the town of Bethlehem, where David was?

40Maraming tao ang nakarinig sa sinabing iyon ni Hesus, at sinabi ng ilan sa kanila, “Siya na nga ang Propeta na hinihintay natin!”

41Sinabi naman ng iba, “Siya na nga ang Mesias!” Ngunit may mga nagtanong, “Hindi siya ang Mesias, dahil hindi maaaring manggaling ang Mesias sa Galilea.

42Hindi baʼt sinasabi ng Kasulatan na ang Mesias ay manggagaling sa lahi ni David, at ipapanganak sa Bethlehem na bayan ni David?”

43Kaya iba-iba ang paniniwala ng mga tao tungkol kay Hesus.

44Gusto ng iba na dakpin siya, ngunit wala ring humuli sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.