Juan 7

Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Hindi pa ngayon ang panahon para sa akin, pero kayo, puwede nʼyong gawin kahit anong oras ang gusto ninyo.

John 7:6 (UKJV) Then Jesus said unto them, My time is not yet come: but your time is always ready.

4Walang taong gumagawa nang patago kung gusto niyang sumikat. Gumagawa ka na rin lang ng himala, ipakita mo na sa lahat!”

5Sinabi ito ng mga kapatid ni Hesus dahil sila man ay hindi nakakaunawa kung sino siya at kung ano ang kailangan niyang gawin.

6Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Hindi pa ngayon ang panahon para sa akin, pero kayo, puwede nʼyong gawin kahit anong oras ang gusto ninyo.

7Hindi napopoot sa inyo ang mundo, ngunit napopoot ito sa akin dahil inilalantad ko ang kasamaan nila.

8Kayo na lang ang pumunta sa pista. Hindi pa ako pupunta dahil hindi pa ito ang panahon ko.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.