Juan 8

Sumagot ang babae, “Wala po.” Sinabi ni Hesus sa kanya, “Hindi rin kita hahatulan. Maaari ka nang umalis, pero huwag ka na muling magkasala.”]

John 8:11 (UKJV) She said, No man, Lord. And Jesus said unto her, Neither do I condemn you: go, and sin no more.

9Nang marinig nila iyon, isa-isa silang umalis mula sa pinakamatanda, hanggang si Hesus na lang at ang babae ang naiwan.

10Tumayo si Hesus at sinabi sa babae, “Nasaan na sila? May humatol ba saʼyo?”

11Sumagot ang babae, “Wala po.” Sinabi ni Hesus sa kanya, “Hindi rin kita hahatulan. Maaari ka nang umalis, pero huwag ka na muling magkasala.”]

12Muling nagsalita si Hesus sa mga tao, “Ako ang ilaw ng mundo. Ang sinumang sumusunod sa akin ay hindi na mamumuhay sa kadiliman, dahil nasa kanya na ang ilaw na gumagabay patungo sa buhay.”

13Nang marinig ito ng mga Pariseo, sinabi nila, “Ikaw lang naman ang nagpapatotoo tungkol sa sarili mo, kaya hindi ʼyan katanggap-tanggap.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.