Juan 8

Sumagot si Hesus, “Kahit na nagpapatotoo ako tungkol sa aking sarili, ang sinasabi ko ay totoo, dahil alam ko kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. Ngunit kayo, hindi ninyo alam kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta.

John 8:14 (UKJV) Jesus answered and said unto them, Though I bear record of myself, yet my record is true: for I know whence I came, and where I go; but all of you cannot tell whence I come, and where I go.

12Muling nagsalita si Hesus sa mga tao, “Ako ang ilaw ng mundo. Ang sinumang sumusunod sa akin ay hindi na mamumuhay sa kadiliman, dahil nasa kanya na ang ilaw na gumagabay patungo sa buhay.”

13Nang marinig ito ng mga Pariseo, sinabi nila, “Ikaw lang naman ang nagpapatotoo tungkol sa sarili mo, kaya hindi ʼyan katanggap-tanggap.”

14Sumagot si Hesus, “Kahit na nagpapatotoo ako tungkol sa aking sarili, ang sinasabi ko ay totoo, dahil alam ko kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. Ngunit kayo, hindi ninyo alam kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta.

15Humahatol kayo ayon sa pamantayan ng tao, ngunit ako ay hindi humahatol kaninuman.

16Kung hahatol man ako ay tama ang hatol ko, dahil hindi ako humahatol nang mag-isa kundi kasama ko ang Amang nagsugo sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.