Juan 8

Kung hahatol man ako ay tama ang hatol ko, dahil hindi ako humahatol nang mag-isa kundi kasama ko ang Amang nagsugo sa akin.

John 8:16 (UKJV) And yet if I judge, my judgment is true: for I am not alone, but I and the Father that sent me.

14Sumagot si Hesus, “Kahit na nagpapatotoo ako tungkol sa aking sarili, ang sinasabi ko ay totoo, dahil alam ko kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. Ngunit kayo, hindi ninyo alam kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta.

15Humahatol kayo ayon sa pamantayan ng tao, ngunit ako ay hindi humahatol kaninuman.

16Kung hahatol man ako ay tama ang hatol ko, dahil hindi ako humahatol nang mag-isa kundi kasama ko ang Amang nagsugo sa akin.

17Hindi baʼt nakasulat sa Kautusan ninyo na kapag tugma ang patotoo ng dalawang saksi, nangangahulugang totoo ang kanilang sinasabi?

18Nagpapatotoo ako tungkol sa aking sarili, at ang Amang nagsugo sa akin ay nagpapatotoo rin tungkol sa akin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.