16Kung hahatol man ako ay tama ang hatol ko, dahil hindi ako humahatol nang mag-isa kundi kasama ko ang Amang nagsugo sa akin.
17Hindi baʼt nakasulat sa Kautusan ninyo na kapag tugma ang patotoo ng dalawang saksi, nangangahulugang totoo ang kanilang sinasabi?
18Nagpapatotoo ako tungkol sa aking sarili, at ang Amang nagsugo sa akin ay nagpapatotoo rin tungkol sa akin.”
19Nagtanong ang mga Pariseo, “Nasaan ba ang iyong Ama?” Sumagot si Hesus, “Hindi nʼyo ako kilala o ang aking Ama. Kung kilala sana nʼyo ako, makikilala nʼyo rin ang aking Ama.”
20Ang mga itoʼy sinabi ni Hesus habang nangangaral siya sa Templo, malapit sa lalagyan ng mga kaloob. Ngunit walang nagtangkang dumakip sa kanya dahil hindi pa dumarating ang oras niya.