1Si Hesus naman ay pumunta sa bundok ng mga Olibo.
2Kinabukasan, maaga pa lamang ay naroon na siya sa patyo ng Templo. At dooʼy maraming tao ang nagtipon sa palibot niya, kaya umupo siya at nangaral.
3Ngayon, may dumating na mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na may dalang babae na nahuli sa pangangalunya. Pinatayo nila ang babae sa harap ng mga tao,
4at sinabi nila kay Hesus, “Guro, ang babaeng itoʼy nahuling nangangalunya.