Juan 8

Ngayon, may dumating na mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na may dalang babae na nahuli sa pangangalunya. Pinatayo nila ang babae sa harap ng mga tao,

John 8:3 (UKJV) And the scribes and Pharisees brought unto him a woman taken in adultery; and when they had set her in the midst,

1Si Hesus naman ay pumunta sa bundok ng mga Olibo.

2Kinabukasan, maaga pa lamang ay naroon na siya sa patyo ng Templo. At dooʼy maraming tao ang nagtipon sa palibot niya, kaya umupo siya at nangaral.

3Ngayon, may dumating na mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na may dalang babae na nahuli sa pangangalunya. Pinatayo nila ang babae sa harap ng mga tao,

4at sinabi nila kay Hesus, “Guro, ang babaeng itoʼy nahuling nangangalunya.

5Ayon sa Kautusan ni Moises, ang mga babaeng tulad niyaʼy dapat batuhin hanggang sa mamatay. Anoʼng masasabi mo?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.