Juan 8

Muling sinabi ni Hesus sa mga tao, “Aalis ako at hahanapin nʼyo ako, ngunit hindi kayo makakapunta sa pupuntahan ko. Mamamatay kayo sa inyong kasalanan.”

John 8:21 (UKJV) Then said Jesus again unto them, I go my way, and all of you shall seek me, and shall die in your sins: where I go, all of you cannot come.

19Nagtanong ang mga Pariseo, “Nasaan ba ang iyong Ama?” Sumagot si Hesus, “Hindi nʼyo ako kilala o ang aking Ama. Kung kilala sana nʼyo ako, makikilala nʼyo rin ang aking Ama.”

20Ang mga itoʼy sinabi ni Hesus habang nangangaral siya sa Templo, malapit sa lalagyan ng mga kaloob. Ngunit walang nagtangkang dumakip sa kanya dahil hindi pa dumarating ang oras niya.

21Muling sinabi ni Hesus sa mga tao, “Aalis ako at hahanapin nʼyo ako, ngunit hindi kayo makakapunta sa pupuntahan ko. Mamamatay kayo sa inyong kasalanan.”

22Kaya nag-usap-usap ang mga tao, “Magpapakamatay kaya siya kaya sinabi niyang hindi tayo makakapunta sa pupuntahan niya?”

23Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kayoʼy mula rito sa ibaba, at ako namaʼy mula sa itaas. Tagarito kayo sa mundo, ngunit akoʼy hindi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.