Juan 8

Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kayoʼy mula rito sa ibaba, at ako namaʼy mula sa itaas. Tagarito kayo sa mundo, ngunit akoʼy hindi.

John 8:23 (UKJV) And he said unto them, All of you are from beneath; I am from above: all of you are of this world; I am not of this world.

21Muling sinabi ni Hesus sa mga tao, “Aalis ako at hahanapin nʼyo ako, ngunit hindi kayo makakapunta sa pupuntahan ko. Mamamatay kayo sa inyong kasalanan.”

22Kaya nag-usap-usap ang mga tao, “Magpapakamatay kaya siya kaya sinabi niyang hindi tayo makakapunta sa pupuntahan niya?”

23Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kayoʼy mula rito sa ibaba, at ako namaʼy mula sa itaas. Tagarito kayo sa mundo, ngunit akoʼy hindi.

24Kaya sinasabi kong mamamatay kayo sa inyong kasalanan; sapagkat malibang maniwala kayo na Ako ang sinasabi kong Ako, tiyak na mamamatay kayo sa inyong kasalanan.”

25“Bakit, sino ka ba talaga?” tanong nila. Sumagot si Hesus, “Tulad ng sinabi ko na sa inyo noong simula pa lamang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.