22Kaya nag-usap-usap ang mga tao, “Magpapakamatay kaya siya kaya sinabi niyang hindi tayo makakapunta sa pupuntahan niya?”
23Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kayoʼy mula rito sa ibaba, at ako namaʼy mula sa itaas. Tagarito kayo sa mundo, ngunit akoʼy hindi.
24Kaya sinasabi kong mamamatay kayo sa inyong kasalanan; sapagkat malibang maniwala kayo na Ako ang sinasabi kong Ako, tiyak na mamamatay kayo sa inyong kasalanan.”
25“Bakit, sino ka ba talaga?” tanong nila. Sumagot si Hesus, “Tulad ng sinabi ko na sa inyo noong simula pa lamang.
26Marami akong masasabi at maihahatol laban sa inyo, ngunit hindi ko gagawin iyon. Sapagkat ang ipinapahayag ko lamang ay ang mga narinig ko mula sa nagsugo sa akin. At mapagkakatiwalaan ang mga sinasabi niya.”