36Kaya kung ang Anak ang magpapalaya sa inyo, talagang magiging malaya kayo.
37Alam kong galing kayo sa lahi ni Abraham, ngunit tinatangka ninyo akong patayin dahil ayaw ninyong tanggapin ang mga itinuturo ko.
38Sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na nakita ko sa aking Ama, ngunit ang ginagawa ninyo ay ang mga narinig ninyo sa inyong ama.”
39Sinabi ng mga tao, “Si Abraham ang aming ama!” Sumagot si Hesus, “Kung totoong mga anak kayo ni Abraham, tinutularan sana ninyo ang mabubuting gawa niya.
40Ngunit tinatangka ninyo akong patayin, kahit sinasabi ko lang sa inyo ang mga katotohanang narinig ko mula sa Diyos. Hindi ginawa ni Abraham ang mga ginagawa ninyo.