Juan 8

Ngunit tinatangka ninyo akong patayin, kahit sinasabi ko lang sa inyo ang mga katotohanang narinig ko mula sa Diyos. Hindi ginawa ni Abraham ang mga ginagawa ninyo.

John 8:40 (UKJV) But now all of you seek to kill me, a man that has told you the truth, which I have heard of God: this did not Abraham.

38Sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na nakita ko sa aking Ama, ngunit ang ginagawa ninyo ay ang mga narinig ninyo sa inyong ama.”

39Sinabi ng mga tao, “Si Abraham ang aming ama!” Sumagot si Hesus, “Kung totoong mga anak kayo ni Abraham, tinutularan sana ninyo ang mabubuting gawa niya.

40Ngunit tinatangka ninyo akong patayin, kahit sinasabi ko lang sa inyo ang mga katotohanang narinig ko mula sa Diyos. Hindi ginawa ni Abraham ang mga ginagawa ninyo.

41Ang mga ginagawa nʼyo ay katulad ng ginagawa ng inyong ama.” Sumagot sila kay Hesus, “Hindi kami mga anak sa labas. Ang Diyos ang aming Ama.”

42Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kung ang Diyos nga ang inyong Ama, mamahalin sana ninyo ako, dahil nanggaling ako sa Diyos. Hindi ako naparito sa sarili kong kagustuhan, kundi sinugo ako ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.