Juan 8

Ang mga anak ng Diyos ay nakikinig sa salita ng Diyos. Ngunit hindi kayo nakikinig dahil hindi kayo mga anak ng Diyos.”

John 8:47 (UKJV) He that is of God hears God's words: all of you therefore hear them not, because all of you are not of God.

45Ngunit ako, pawang katotohanan ang mga sinasabi ko, at ito ang dahilan kung bakit ayaw ninyong maniwala.

46Sino sa inyo ang makapagpapatunay na nakagawa ako ng kasalanan? At kung katotohanan ang sinasabi ko, bakit ayaw nʼyo akong paniwalaan?

47Ang mga anak ng Diyos ay nakikinig sa salita ng Diyos. Ngunit hindi kayo nakikinig dahil hindi kayo mga anak ng Diyos.”

48Sinabi ng mga pinuno ng mga Hudyo kay Hesus, “Tama nga ang sinabi naming isa kang Samaritano at sinasapian ng demonyo.”

49Sumagot si Hesus, “Hindi ako sinasapian ng demonyo. Ngunit ako, pinararangalan ko ang aking Ama. Kayo ang hindi nagpaparangal sa kanya dahil hindi ninyo ako pinararangalan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.