Juan 8

Sinabi ng mga pinuno ng mga Hudyo, “Sigurado na kaming sinasapian ka nga ng demonyo. Si Abraham ay namatay at ganoon din ang mga propeta, ngunit sinasabi mong hindi kailanman mamamatay ang sinumang sumusunod sa aral mo.

John 8:52 (UKJV) Then said the Jews unto him, Now we know that you have a devil. Abraham is dead, and the prophets; and you says, If a man keep my saying, he shall never taste of death.

50Hindi ko hangad na akoʼy parangalan; ngunit may naghahangad na parangalan ako at siya ang karapat-dapat humatol.

51Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang sumusunod sa mga aral ko ay hindi mamamatay kailanman.”

52Sinabi ng mga pinuno ng mga Hudyo, “Sigurado na kaming sinasapian ka nga ng demonyo. Si Abraham ay namatay at ganoon din ang mga propeta, ngunit sinasabi mong hindi kailanman mamamatay ang sinumang sumusunod sa aral mo.

53Nakahihigit ka ba sa ama naming si Abraham? Kahit siya at ang mga propeta ay namatay! Sino ka ba sa akala mo?”

54Sumagot si Hesus, “Kung ako lang ang magpaparangal sa sarili ko, wala itong saysay. Ngunit ang Ama, na sinasabi nʼyong Diyos ninyo, ang siyang magpaparangal sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.