Juan 9

Sinabi ng ilang Pariseo, “Hindi mula sa Diyos ang taong gumawa nito, dahil hindi niya sinusunod ang utos tungkol sa Araw ng Pamamahinga.” Ngunit sinabi naman ng iba, “Kung makasalanan siya, paano siya nakakagawa ng ganitong himala?” Hindi magkasundo ang mga opinyon nila tungkol kay Hesus.

John 9:16 (UKJV) Therefore said some of the Pharisees, This man is not of God, because he keeps not the sabbath day. Others said, How can a man that is a sinner do such miracles? And there was a division among them.

14Araw noon ng Pamamahinga nang gumawa si Hesus ng putik at pinagaling ang bulag.

15Kaya tinanong din siya ng mga Pariseo kung paano siya nakakita. At sinabi ng lalaki, “Nilagyan niya ng putik ang mga mata ko. Naghilamos ako, at pagkatapos ay nakakita na ako.”

16Sinabi ng ilang Pariseo, “Hindi mula sa Diyos ang taong gumawa nito, dahil hindi niya sinusunod ang utos tungkol sa Araw ng Pamamahinga.” Ngunit sinabi naman ng iba, “Kung makasalanan siya, paano siya nakakagawa ng ganitong himala?” Hindi magkasundo ang mga opinyon nila tungkol kay Hesus.

17Kaya tinanong ulit ng mga Pariseo ang dating bulag, “Ano ang masasabi mo tungkol sa kanya, dahil pinagaling ka niya?” Sumagot ang lalaki, “Isa po siyang propeta.”

18Ngunit ayaw pa rin nilang maniwala na siya nga ang dating bulag na ngayon ay nakakakita na. Kaya ipinatawag nila ang mga magulang niya

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.