Juan 9

Araw noon ng Pamamahinga nang gumawa si Hesus ng putik at pinagaling ang bulag.

John 9:14 (UKJV) And it was the sabbath day when Jesus made the clay, and opened his eyes.

12Nagtanong ang mga tao, “Nasaan na siya?” Sumagot ang lalaki, “Hindi ko alam.”

13Dinala nila sa mga Pariseo ang dating bulag.

14Araw noon ng Pamamahinga nang gumawa si Hesus ng putik at pinagaling ang bulag.

15Kaya tinanong din siya ng mga Pariseo kung paano siya nakakita. At sinabi ng lalaki, “Nilagyan niya ng putik ang mga mata ko. Naghilamos ako, at pagkatapos ay nakakita na ako.”

16Sinabi ng ilang Pariseo, “Hindi mula sa Diyos ang taong gumawa nito, dahil hindi niya sinusunod ang utos tungkol sa Araw ng Pamamahinga.” Ngunit sinabi naman ng iba, “Kung makasalanan siya, paano siya nakakagawa ng ganitong himala?” Hindi magkasundo ang mga opinyon nila tungkol kay Hesus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.