11Sumagot siya, “Ang lalaking tinatawag na Hesus ay gumawa ng putik. Ipinahid niya ito sa mga mata ko at sinabi, ‘Pumunta ka sa paliguan ng Siloam at maghilamos.’ Kaya pumunta ako roon at naghilamos, at pagkatapos ay nakakita na ako.”
12Nagtanong ang mga tao, “Nasaan na siya?” Sumagot ang lalaki, “Hindi ko alam.”
13Dinala nila sa mga Pariseo ang dating bulag.
14Araw noon ng Pamamahinga nang gumawa si Hesus ng putik at pinagaling ang bulag.
15Kaya tinanong din siya ng mga Pariseo kung paano siya nakakita. At sinabi ng lalaki, “Nilagyan niya ng putik ang mga mata ko. Naghilamos ako, at pagkatapos ay nakakita na ako.”