9Sinabi ng iba, “Siya nga.” Ngunit sinabi naman ng iba, “Hindi, kamukha lang niya iyon.” Kaya ang lalaki na mismo ang nagsabi, “Ako nga iyon.”
10“Paano ka nakakita?” tanong nila.
11Sumagot siya, “Ang lalaking tinatawag na Hesus ay gumawa ng putik. Ipinahid niya ito sa mga mata ko at sinabi, ‘Pumunta ka sa paliguan ng Siloam at maghilamos.’ Kaya pumunta ako roon at naghilamos, at pagkatapos ay nakakita na ako.”
12Nagtanong ang mga tao, “Nasaan na siya?” Sumagot ang lalaki, “Hindi ko alam.”
13Dinala nila sa mga Pariseo ang dating bulag.