Juan 9

Ngunit hindi namin alam kung paano siya nakakita at kung sino ang nagpagaling sa kanya. Siya na lang po ang tanungin ninyo. Nasa tamang edad na siya, at kaya na niyang sumagot para sa sarili niya.”

John 9:21 (UKJV) But by what means he now sees, we know not; or who has opened his eyes, we know not: he is of age; ask him: he shall speak for himself.

19at tinanong, “Anak nʼyo ba ito? Totoo bang ipinanganak siyang bulag? Paano siya nakakakita ngayon?”

20Sumagot ang mga magulang, “Anak nga po namin siya, at ipinanganak siyang bulag.

21Ngunit hindi namin alam kung paano siya nakakita at kung sino ang nagpagaling sa kanya. Siya na lang po ang tanungin ninyo. Nasa tamang edad na siya, at kaya na niyang sumagot para sa sarili niya.”

22Ito ang sinabi ng mga magulang ng lalaki dahil sa takot sa mga pinuno ng mga Hudyo. Sapagkat napagkasunduan na ng mga pinuno ng mga Hudyo na ang sinumang kikilala kay Hesus bilang Mesias ay ititiwalag sa kanilang sinagoga.

23Kaya ganito ang isinagot ng mga magulang: “Nasa tamang edad na siya. Siya na lang po ang tanungin ninyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.