Juan 9

at tinanong, “Anak nʼyo ba ito? Totoo bang ipinanganak siyang bulag? Paano siya nakakakita ngayon?”

John 9:19 (UKJV) And they asked them, saying, Is this your son, who all of you say was born blind? how then does he now see?

17Kaya tinanong ulit ng mga Pariseo ang dating bulag, “Ano ang masasabi mo tungkol sa kanya, dahil pinagaling ka niya?” Sumagot ang lalaki, “Isa po siyang propeta.”

18Ngunit ayaw pa rin nilang maniwala na siya nga ang dating bulag na ngayon ay nakakakita na. Kaya ipinatawag nila ang mga magulang niya

19at tinanong, “Anak nʼyo ba ito? Totoo bang ipinanganak siyang bulag? Paano siya nakakakita ngayon?”

20Sumagot ang mga magulang, “Anak nga po namin siya, at ipinanganak siyang bulag.

21Ngunit hindi namin alam kung paano siya nakakita at kung sino ang nagpagaling sa kanya. Siya na lang po ang tanungin ninyo. Nasa tamang edad na siya, at kaya na niyang sumagot para sa sarili niya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.