Juan 9

Sinabi ni Hesus, “Naparito ako sa mundo upang hatulan ang mga tao nang sa gayoʼy ang mga bulag ay makakita, ang mga nakakakita ay maging bulag.”

John 9:39 (UKJV) And Jesus said, For judgment I am come into this world, that they which see not might see; and that they which see might be made blind.

37Sinabi ni Hesus sa kanya, “Nakita mo na siya, at siya ang kausap mo ngayon.”

38Sinabi agad ng lalaki, “Panginoon, sumasampalataya po ako sa inyo.” At lumuhod siya at sumamba kay Hesus.

39Sinabi ni Hesus, “Naparito ako sa mundo upang hatulan ang mga tao nang sa gayoʼy ang mga bulag ay makakita, ang mga nakakakita ay maging bulag.”

40Narinig ito ng ilang Pariseong naroon, at nagtanong sila, “Sinasabi mo bang mga bulag din kami?”

41Sumagot si Hesus, “Kung totoong bulag kayo, wala sana kayong kasalanan. Ngunit dahil sinasabi ninyong hindi kayo bulag, nananatili pa rin kayong may kasalanan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.