35Nabalitaan ni Hesus na pinaalis sa sinagoga ang dating bulag, kaya hinanap niya ito. At nang matagpuan niya, tinanong niya ito, “Sumasampalataya ka ba sa Anak ng Tao?”
36Sumagot ang lalaki, “Sino po siya? Sabihin nʼyo po sa akin upang sumampalataya ako sa kanya.”
37Sinabi ni Hesus sa kanya, “Nakita mo na siya, at siya ang kausap mo ngayon.”
38Sinabi agad ng lalaki, “Panginoon, sumasampalataya po ako sa inyo.” At lumuhod siya at sumamba kay Hesus.
39Sinabi ni Hesus, “Naparito ako sa mundo upang hatulan ang mga tao nang sa gayoʼy ang mga bulag ay makakita, ang mga nakakakita ay maging bulag.”