Juan 9

Nabalitaan ni Hesus na pinaalis sa sinagoga ang dating bulag, kaya hinanap niya ito. At nang matagpuan niya, tinanong niya ito, “Sumasampalataya ka ba sa Anak ng Tao?”

John 9:35 (UKJV) Jesus heard that they had cast him out; and when he had found him, he said unto him, Do you believe on the Son of God?

33Kung hindi nanggaling sa Diyos ang taong iyon, hindi niya magagawa ang himalang ito.”

34Sumagot ang mga pinuno ng mga Hudyo, “Ipinanganak kang makasalanan! At ang lakas pa ng loob mo ngayon na pangaralan kami!” At ipinagtabuyan nila ito sa sinagoga.

35Nabalitaan ni Hesus na pinaalis sa sinagoga ang dating bulag, kaya hinanap niya ito. At nang matagpuan niya, tinanong niya ito, “Sumasampalataya ka ba sa Anak ng Tao?”

36Sumagot ang lalaki, “Sino po siya? Sabihin nʼyo po sa akin upang sumampalataya ako sa kanya.”

37Sinabi ni Hesus sa kanya, “Nakita mo na siya, at siya ang kausap mo ngayon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.