9Sumagot si Jonas, “Ako ay Hebreo at sumasamba sa Panginoon, ang Diyos sa langit na lumikha ng dagat at ng lupa.”
10Kaya lubhang natakot ang mga tripulante, dahil sinabi na sa kanila ni Jonas na tumatakas siya sa Panginoon. Sinabi nila sa kanya, “Ano itong ginawa mo!”
11At nang lalo pang lumakas ang hangin, sinabi ng mga tripulante kay Jonas, “Ano ang gagawin namin sa iyo para kumalma ang dagat at nang makaligtas kami sa kapahamakan?”
12Sumagot si Jonas sa kanila, “Buhatin ninyo ako at ihagis sa dagat, at kakalma ito. Sapagkat alam kong ako ang dahilan kung bakit dumating ang napalakas na hangin na ito.”
13Hindi nila sinunod si Jonas, sa halip, sinikap ng mga tripulante na sumagwán papunta sa dalampasigan, ngunit nahirapan sila dahil lalo pang lumakas ang hangin.