Jonas 1

Hindi nila sinunod si Jonas, sa halip, sinikap ng mga tripulante na sumagwán papunta sa dalampasigan, ngunit nahirapan sila dahil lalo pang lumakas ang hangin.

Jonah 1:13 (UKJV) Nevertheless the men rowed hard to bring it to the land; but they could not: for the sea wrought, and was tempestuous against them.

11At nang lalo pang lumakas ang hangin, sinabi ng mga tripulante kay Jonas, “Ano ang gagawin namin sa iyo para kumalma ang dagat at nang makaligtas kami sa kapahamakan?”

12Sumagot si Jonas sa kanila, “Buhatin ninyo ako at ihagis sa dagat, at kakalma ito. Sapagkat alam kong ako ang dahilan kung bakit dumating ang napalakas na hangin na ito.”

13Hindi nila sinunod si Jonas, sa halip, sinikap ng mga tripulante na sumagwán papunta sa dalampasigan, ngunit nahirapan sila dahil lalo pang lumakas ang hangin.

14Kaya tumawag sila sa Panginoon. Sinabi nila, “O Panginoon, nakikiusap po kami sa inyo, huwag nʼyo kaming hayaang mamatay dahil sa gagawin namin kay Jonas. Huwag po ninyo kaming singilin sa aming pagpatay sa kanya na hindi pa naman namin natitiyak kung siya nga ay nagkasala. Ngunit alam po naming ang mga nangyayaring ito ay ayon sa inyong kalooban.”

15Kaya binuhat nila si Jonas at inihagis sa nagngangalit na dagat, at kumalma nga ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.