Jonas 1

Kaya tumawag sila sa Panginoon. Sinabi nila, “O Panginoon, nakikiusap po kami sa inyo, huwag nʼyo kaming hayaang mamatay dahil sa gagawin namin kay Jonas. Huwag po ninyo kaming singilin sa aming pagpatay sa kanya na hindi pa naman namin natitiyak kung siya nga ay nagkasala. Ngunit alam po naming ang mga nangyayaring ito ay ayon sa inyong kalooban.”

Jonah 1:14 (UKJV) Wherefore they cried unto the LORD, and said, We plead to you, O LORD, we plead to you, let us not perish for this man's life, and lay not upon us innocent blood: for you, O LORD, have done as it pleased you.

12Sumagot si Jonas sa kanila, “Buhatin ninyo ako at ihagis sa dagat, at kakalma ito. Sapagkat alam kong ako ang dahilan kung bakit dumating ang napalakas na hangin na ito.”

13Hindi nila sinunod si Jonas, sa halip, sinikap ng mga tripulante na sumagwán papunta sa dalampasigan, ngunit nahirapan sila dahil lalo pang lumakas ang hangin.

14Kaya tumawag sila sa Panginoon. Sinabi nila, “O Panginoon, nakikiusap po kami sa inyo, huwag nʼyo kaming hayaang mamatay dahil sa gagawin namin kay Jonas. Huwag po ninyo kaming singilin sa aming pagpatay sa kanya na hindi pa naman namin natitiyak kung siya nga ay nagkasala. Ngunit alam po naming ang mga nangyayaring ito ay ayon sa inyong kalooban.”

15Kaya binuhat nila si Jonas at inihagis sa nagngangalit na dagat, at kumalma nga ito.

16Dahil sa pangyayaring ito, nagkaroon ng malaking takot ang mga tao sa Panginoon. Kaya naghandog sila at nangakong ipagpapatuloy ang paglilingkod at paghahandog sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.