3Pumunta agad si Jonas sa Nineve ayon sa sinabi ng Panginoon. Malaking lungsod ang Nineve; aabutin ng tatlong araw kung ito ay lalakarin.
4Pumasok si Jonas sa lungsod. Pagkatapos ng maghapong paglalakad, sinabi niya sa mga tagaroon, “May apatnapung araw na lamang ang natitira at wawasakin na ang Nineve.”
5Naniwala ang mga taga-Nineve sa pahayag na ito mula sa Diyos. Kaya lahat sila, mula sa pinakadakila hanggang sa pinakaaba ay nagsuot ng damit na panluksa at nag-ayuno upang ipakita ang kanilang pagsisisi.
6Sapagkat nang mapakinggan ng hari ng Nineve ang mensahe ni Jonas, tumayo siya mula sa kanyang trono, inalis ang kanyang balabal, nagsuot ng damit na panluksa at naupo sa lupa.
7At ito ang ipinahayag niya sa buong Nineve: “Ayon sa utos ng hari at ng kanyang mga nakatataas na opisyal, “Walang sinumang kakain at iinom, kahit ang inyong mga baka, tupa o kambing.