9Sinabi ng Diyos sa kanya, “May karapatan ka bang magalit dahil sa nangyari sa halaman?” Sumagot si Jonas, “Oo, mayroon akong karapatang magalit, kaya mas mabuti pang mamatay na lang ako.”
10Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Nanghinayang ka nga sa halamang iyon na tumubo sa loob ng isang magdamag at nalanta rin agad sa loob din ng isang gabi, kahit na hindi ikaw ang nagtanim o nagpatubo.
11Ako pa kaya ang hindi manghinayang sa napakalaking lungsod ng Nineve na may mahigit 120,000 taong hindi nalalaman kung alin ang tama at ang mali at marami ring mga hayop?”