6Pinatubo ng Panginoong Diyos ang isang halaman na lampas tao upang maliliman siya. At labis namang ikinagalak iyon ni Jonas.
7Ngunit kinabukasan, habang maaga pa, ipinakain ng Diyos sa uod ang halamang iyon at nalanta ito.
8Pagsikat ng araw, pinaihip ng Diyos ang mainit na hangin mula sa silangan. Halos mahimatay si Jonas nang masikatan ng araw ang ulo niya. Nais niyang mamatay na lang, kaya sinabi niya, “Mas mabuti pang mamatay ako kaysa mabuhay.”
9Sinabi ng Diyos sa kanya, “May karapatan ka bang magalit dahil sa nangyari sa halaman?” Sumagot si Jonas, “Oo, mayroon akong karapatang magalit, kaya mas mabuti pang mamatay na lang ako.”
10Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Nanghinayang ka nga sa halamang iyon na tumubo sa loob ng isang magdamag at nalanta rin agad sa loob din ng isang gabi, kahit na hindi ikaw ang nagtanim o nagpatubo.