Jonas 4

Pinatubo ng Panginoong Diyos ang isang halaman na lampas tao upang maliliman siya. At labis namang ikinagalak iyon ni Jonas.

Jonah 4:6 (UKJV) And the LORD God prepared a gourd, and made it to come up over Jonah, that it might be a shadow over his head, to deliver him from his grief. So Jonah was exceeding glad of the gourd.

4Sumagot ang Panginoon, “May karapatan ka bang magalit sa ginawa ko sa Nineve?”

5Lumabas si Jonas sa lungsod at umupo sa gawing silangan nito. Gumawa siya ng masisilungan at sumilong doon habang hinihintay kung ano ang mangyayari sa lungsod.

6Pinatubo ng Panginoong Diyos ang isang halaman na lampas tao upang maliliman siya. At labis namang ikinagalak iyon ni Jonas.

7Ngunit kinabukasan, habang maaga pa, ipinakain ng Diyos sa uod ang halamang iyon at nalanta ito.

8Pagsikat ng araw, pinaihip ng Diyos ang mainit na hangin mula sa silangan. Halos mahimatay si Jonas nang masikatan ng araw ang ulo niya. Nais niyang mamatay na lang, kaya sinabi niya, “Mas mabuti pang mamatay ako kaysa mabuhay.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.