Jonas 4

Lumabas si Jonas sa lungsod at umupo sa gawing silangan nito. Gumawa siya ng masisilungan at sumilong doon habang hinihintay kung ano ang mangyayari sa lungsod.

Jonah 4:5 (UKJV) So Jonah went out of the city, and sat on the east side of the city, and there made him a booth, and sat under it in the shadow, till he might see what would become of the city.

3Kaya Panginoon, kunin mo na lang ako, dahil mas mabuti pang mamatay ako kaysa mabuhay.”

4Sumagot ang Panginoon, “May karapatan ka bang magalit sa ginawa ko sa Nineve?”

5Lumabas si Jonas sa lungsod at umupo sa gawing silangan nito. Gumawa siya ng masisilungan at sumilong doon habang hinihintay kung ano ang mangyayari sa lungsod.

6Pinatubo ng Panginoong Diyos ang isang halaman na lampas tao upang maliliman siya. At labis namang ikinagalak iyon ni Jonas.

7Ngunit kinabukasan, habang maaga pa, ipinakain ng Diyos sa uod ang halamang iyon at nalanta ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.