14Hindi pa nagkaroon ng ganitong pangyayari bago noon o simula noon, na dininig ng Panginoon ang isang tao. Tunay ngang nakikipaglaban ang Panginoon para sa Israel!
15Pagkatapos, bumalik si Josue at ang lahat ng mga Israelita sa kampo nila sa Gilgal.
16Nakatakas ang limang hari at nagtago sa kuweba sa Makeda.
17Ngunit may nakakita sa kanila na doon sila nagtatago, at sinabi nila ito kay Josue.
18Kaya sinabi ni Josue, “Tabunan nʼyo ng malalaking bato ang bukana ng kuweba at pabantayan ninyo.