12Nang araw na pinagtagumpay ng Panginoon ang mga Israelita laban sa mga Amoreo, nanalangin si Josue sa Panginoon at sinabi niya habang nakikinig ang mga Israelita, “Araw, tumigil ka sa taas ng Gibeon! Ikaw naman buwan, tumigil ka sa taas ng Lambak ng Ayalon.”
13Kaya tumigil ang araw at ang buwan hanggang sa natalo nang lubusan ng mga Israelita ang mga kalaban nila. Ang pangyayaring ito ay nakasulat sa Aklat ni Jashar. Tumigil ang araw sa gitna ng langit, at hindi ito lumubog sa buong araw.
14Hindi pa nagkaroon ng ganitong pangyayari bago noon o simula noon, na dininig ng Panginoon ang isang tao. Tunay ngang nakikipaglaban ang Panginoon para sa Israel!
15Pagkatapos, bumalik si Josue at ang lahat ng mga Israelita sa kampo nila sa Gilgal.
16Nakatakas ang limang hari at nagtago sa kuweba sa Makeda.