17Ngunit may nakakita sa kanila na doon sila nagtatago, at sinabi nila ito kay Josue.
18Kaya sinabi ni Josue, “Tabunan nʼyo ng malalaking bato ang bukana ng kuweba at pabantayan ninyo.
19Ngunit huwag kayong manatili roon kundi habulin nʼyo at lusubin ang mga naiwang kalaban. Siguraduhin ninyong hindi sila makakapasok sa mga lungsod nila. Dahil ibibigay sila sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos.”
20Naubos sana ni Josue at ng mga Israelita ang mga kalaban nila. Ngunit mayroon ding nakaligtas at nakapasok sa mga napapaderang lungsod nito.
21At bumalik ang lahat ng sundalo kay Josue sa kampo nila sa Makeda. Mula noon, wala nang nagtangkang magsalita laban sa mga Israelita.