Josue 10

Naubos sana ni Josue at ng mga Israelita ang mga kalaban nila. Ngunit mayroon ding nakaligtas at nakapasok sa mga napapaderang lungsod nito.

Joshua 10:20 (UKJV) And it came to pass, when Joshua and the children of Israel had made an end of slaying them with a very great slaughter, till they were consumed, that the rest which remained of them entered into fenced cities.

18Kaya sinabi ni Josue, “Tabunan nʼyo ng malalaking bato ang bukana ng kuweba at pabantayan ninyo.

19Ngunit huwag kayong manatili roon kundi habulin nʼyo at lusubin ang mga naiwang kalaban. Siguraduhin ninyong hindi sila makakapasok sa mga lungsod nila. Dahil ibibigay sila sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos.”

20Naubos sana ni Josue at ng mga Israelita ang mga kalaban nila. Ngunit mayroon ding nakaligtas at nakapasok sa mga napapaderang lungsod nito.

21At bumalik ang lahat ng sundalo kay Josue sa kampo nila sa Makeda. Mula noon, wala nang nagtangkang magsalita laban sa mga Israelita.

22At nag-utos si Josue, “Buksan nʼyo ang kuweba at dalhin dito sa akin ang limang hari.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.