22Kasama sa mga pinatay ng mga Israelita si Balaam na manghuhula na anak ni Beor.
23Ang Ilog Jordan ay ang hangganan ng lahi ni Ruben. Ito nga ang mga bayan at baryo na ibinigay na mana ng lahi ni Ruben na hinati sa bawat sambahayan.
24Ito naman ang bahagi ng lupain na ibinigay ni Moises sa lahi ni Gad, na hinati ayon sa bawat sambahayan:
25Ang Jazer at ang lahat ng bayan ng Gilead, at ang kalahati ng lupain ng mga Amonita hanggang sa Aroer malapit sa Rabba.
26Nakasama rin ang mga lupain mula sa Hesbon hanggang sa Ramat Mizpa at Betomin, at mula sa Mahanaim hanggang sa hangganan ng bayan ng Debar.