Josue 13

Ang Ilog Jordan ay ang hangganan ng lahi ni Ruben. Ito nga ang mga bayan at baryo na ibinigay na mana ng lahi ni Ruben na hinati sa bawat sambahayan.

Joshua 13:23 (UKJV) And the border of the children of Reuben was Jordan, and the border thereof. This was the inheritance of the children of Reuben after their families, the cities and the villages thereof.

21at ang lahat ng bayan sa buong talampas at ang lahat ng lugar na sakop ng hari ng Amoreo na si Haring Sihon ng Hesbon. Tinalo siya ni Moises pati ang mga pinuno ng Midian na sina Evi, Requem, Zur, Hur at Reba. Lahat sila ay naghari sa mga lupain nila sa ilalim ng pamamahala ni Haring Sihon.

22Kasama sa mga pinatay ng mga Israelita si Balaam na manghuhula na anak ni Beor.

23Ang Ilog Jordan ay ang hangganan ng lahi ni Ruben. Ito nga ang mga bayan at baryo na ibinigay na mana ng lahi ni Ruben na hinati sa bawat sambahayan.

24Ito naman ang bahagi ng lupain na ibinigay ni Moises sa lahi ni Gad, na hinati ayon sa bawat sambahayan:

25Ang Jazer at ang lahat ng bayan ng Gilead, at ang kalahati ng lupain ng mga Amonita hanggang sa Aroer malapit sa Rabba.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.