Josue 13

sa timog; ang lahat ng lupain ng mga Cananeo mula sa Meara, na dating nasasakupan ng mga Sidoneo, hanggang sa Afek na nasa hangganan ng lupain ng mga Amoreo;

Joshua 13:4 (UKJV) From the south, all the land of the Canaanites, and Mearah that is beside the Sidonians unto Aphek, to the borders of the Amorites:

2Ito pa ang mga naiwan: ang lahat ng lupain ng mga Filisteo at taga-Gesur

3na bahagi ng teritoryo ng mga Cananeo. Ito ay mula sa ilog ng Shihor sa silangan ng Ehipto, hanggang sa hilagang hangganan ng Ekron kasama ang limang bayan ng mga Filisteo: Gaza, Asdod, Ashkelon, Gat at Ekron, at ang lupain ng mga Aveo

4sa timog; ang lahat ng lupain ng mga Cananeo mula sa Meara, na dating nasasakupan ng mga Sidoneo, hanggang sa Afek na nasa hangganan ng lupain ng mga Amoreo;

5ang lupain ng mga Gebalita, at ang buong Lebanon sa silangan, mula sa Baal-gad sa ibaba ng Bundok ng Hermon hanggang sa Lebo-hamat;

6at pati ang mga kabundukan mula sa Lebanon hanggang sa Misrefot-maim, na bahagi ng nasasakupan ng mga Sidoneo. “Sa paglusob ninyo, ako mismo ang magtataboy sa mga nakatira sa mga lugar na ito. Tiyakin mong mahahati-hati ang mga lupaing ito sa mga Israelita bilang mana nila, ayon sa iniutos ko sa iyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.