Josue 13

at pati ang mga kabundukan mula sa Lebanon hanggang sa Misrefot-maim, na bahagi ng nasasakupan ng mga Sidoneo. “Sa paglusob ninyo, ako mismo ang magtataboy sa mga nakatira sa mga lugar na ito. Tiyakin mong mahahati-hati ang mga lupaing ito sa mga Israelita bilang mana nila, ayon sa iniutos ko sa iyo.

Joshua 13:6 (UKJV) All the inhabitants of the hill country from Lebanon unto Misrephothmaim, and all the Sidonians, them will I drive out from before the children of Israel: only divide you it by lot unto the Israelites for an inheritance, as I have commanded you.

4sa timog; ang lahat ng lupain ng mga Cananeo mula sa Meara, na dating nasasakupan ng mga Sidoneo, hanggang sa Afek na nasa hangganan ng lupain ng mga Amoreo;

5ang lupain ng mga Gebalita, at ang buong Lebanon sa silangan, mula sa Baal-gad sa ibaba ng Bundok ng Hermon hanggang sa Lebo-hamat;

6at pati ang mga kabundukan mula sa Lebanon hanggang sa Misrefot-maim, na bahagi ng nasasakupan ng mga Sidoneo. “Sa paglusob ninyo, ako mismo ang magtataboy sa mga nakatira sa mga lugar na ito. Tiyakin mong mahahati-hati ang mga lupaing ito sa mga Israelita bilang mana nila, ayon sa iniutos ko sa iyo.

7Isama mo ito sa paghahatiang lupain ng siyam na lahi at sa kalahating lahi ni Manases.”

8Ang lahi ni Ruben, Gad at ang kalahating lahi ni Manases ay binigyan na ni Moises na lingkod ng Panginoon ng bahagi nila sa silangan ng Jordan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.