Josue 13

Ang lahi ni Ruben, Gad at ang kalahating lahi ni Manases ay binigyan na ni Moises na lingkod ng Panginoon ng bahagi nila sa silangan ng Jordan.

Joshua 13:8 (UKJV) With whom the Reubenites and the Gadites have received their inheritance, which Moses gave them, beyond Jordan eastward, even as Moses the servant of the LORD gave them;

6at pati ang mga kabundukan mula sa Lebanon hanggang sa Misrefot-maim, na bahagi ng nasasakupan ng mga Sidoneo. “Sa paglusob ninyo, ako mismo ang magtataboy sa mga nakatira sa mga lugar na ito. Tiyakin mong mahahati-hati ang mga lupaing ito sa mga Israelita bilang mana nila, ayon sa iniutos ko sa iyo.

7Isama mo ito sa paghahatiang lupain ng siyam na lahi at sa kalahating lahi ni Manases.”

8Ang lahi ni Ruben, Gad at ang kalahating lahi ni Manases ay binigyan na ni Moises na lingkod ng Panginoon ng bahagi nila sa silangan ng Jordan.

9Ang lupa nila ay mula sa Aroer sa tabi ng Lambak ng Arnon (kasama na ang bayan sa gitna nito) papunta sa buong talampas ng Medeba hanggang sa Dibon.

10Umabot ito sa lahat ng bayan na pinamahalaan ni Sihon na Amoreo na naghari sa Hesbon, hanggang sa hangganan ng mga Amonita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.