5ang lupain ng mga Gebalita, at ang buong Lebanon sa silangan, mula sa Baal-gad sa ibaba ng Bundok ng Hermon hanggang sa Lebo-hamat;
6at pati ang mga kabundukan mula sa Lebanon hanggang sa Misrefot-maim, na bahagi ng nasasakupan ng mga Sidoneo. “Sa paglusob ninyo, ako mismo ang magtataboy sa mga nakatira sa mga lugar na ito. Tiyakin mong mahahati-hati ang mga lupaing ito sa mga Israelita bilang mana nila, ayon sa iniutos ko sa iyo.
7Isama mo ito sa paghahatiang lupain ng siyam na lahi at sa kalahating lahi ni Manases.”
8Ang lahi ni Ruben, Gad at ang kalahating lahi ni Manases ay binigyan na ni Moises na lingkod ng Panginoon ng bahagi nila sa silangan ng Jordan.
9Ang lupa nila ay mula sa Aroer sa tabi ng Lambak ng Arnon (kasama na ang bayan sa gitna nito) papunta sa buong talampas ng Medeba hanggang sa Dibon.