7Isama mo ito sa paghahatiang lupain ng siyam na lahi at sa kalahating lahi ni Manases.”
8Ang lahi ni Ruben, Gad at ang kalahating lahi ni Manases ay binigyan na ni Moises na lingkod ng Panginoon ng bahagi nila sa silangan ng Jordan.
9Ang lupa nila ay mula sa Aroer sa tabi ng Lambak ng Arnon (kasama na ang bayan sa gitna nito) papunta sa buong talampas ng Medeba hanggang sa Dibon.
10Umabot ito sa lahat ng bayan na pinamahalaan ni Sihon na Amoreo na naghari sa Hesbon, hanggang sa hangganan ng mga Amonita.
11Nakasama rin ang Gilead at ang mga lupaing tinirhan ng mga Gesureo at mga Maacateo at ang buong lugar na tinatawag na Bundok ng Hermon, at ang buong Bashan hanggang Saleca.