Josue 16

Mula sa Betel (na siyang Luz), dumaraan ito sa Atarot na kung saan nakatira ang mga Araceo

Joshua 16:2 (UKJV) And goes out from Bethel to Luz, and passes along unto the borders of Archi to Ataroth,

1Ang lupaing ibinigay sa mga lahi ni Jose ay nagsimula sa Ilog Jordan malapit sa Jerico, sa silangan ng mga bukal ng Jerico, papunta sa ilang at sa kabundukan hanggang sa Betel.

2Mula sa Betel (na siyang Luz), dumaraan ito sa Atarot na kung saan nakatira ang mga Araceo

3at pababa sa kanluran papunta sa lugar ng mga Jafleteo, hanggang sa hangganan ng mababang Bet-horon. At nagpatuloy ito sa Gezer hanggang sa Dagat ng Mediteraneo.

4Ito ang bahaging natanggap ng mga lahi nina Manases at Efraim na mga anak ni Jose.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.