Josue 16

Ito ang bahaging natanggap ng mga lahi nina Manases at Efraim na mga anak ni Jose.

Joshua 16:4 (UKJV) So the children of Joseph, Manasseh and Ephraim, took their inheritance.

2Mula sa Betel (na siyang Luz), dumaraan ito sa Atarot na kung saan nakatira ang mga Araceo

3at pababa sa kanluran papunta sa lugar ng mga Jafleteo, hanggang sa hangganan ng mababang Bet-horon. At nagpatuloy ito sa Gezer hanggang sa Dagat ng Mediteraneo.

4Ito ang bahaging natanggap ng mga lahi nina Manases at Efraim na mga anak ni Jose.

5Ito ang nasasakupan ng lahi ni Efraim na hinati-hati ayon sa bawat sambahayan: Ang hangganan ng kanilang mana sa silangan ay nagsisimula sa Atarot-adar papunta sa mataas na Bet-horon

6hanggang sa Dagat ng Mediteraneo. Ang hangganan nito sa hilaga ay nagsisimula sa Micmetat, at paliko pasilangan sa Taanat-silo, at dumaraan sa silangan ng Janoa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.