Josue 16

Mula sa Tapua, ang hangganan ay papunta sa kanluran at dumaraan sa Lambak ng Kana, hanggang sa Dagat ng Mediteraneo. Ito ang lupain na ibinigay bilang mana ng lahi ni Efraim na hinati-hati ayon sa bawat sambahayan.

Joshua 16:8 (UKJV) The border went out from Tappuah westward unto the river Kanah; and the activities out thereof were at the sea. This is the inheritance of the tribe of the children of Ephraim by their families.

6hanggang sa Dagat ng Mediteraneo. Ang hangganan nito sa hilaga ay nagsisimula sa Micmetat, at paliko pasilangan sa Taanat-silo, at dumaraan sa silangan ng Janoa.

7At mula sa Janoa ay pababa ito sa Atarot at Naara, at dumaraan sa Jerico papunta sa Ilog Jordan.

8Mula sa Tapua, ang hangganan ay papunta sa kanluran at dumaraan sa Lambak ng Kana, hanggang sa Dagat ng Mediteraneo. Ito ang lupain na ibinigay bilang mana ng lahi ni Efraim na hinati-hati ayon sa bawat sambahayan.

9Kasama nito ang mga bayan at baryo na sakop sa lupain ni Manases.

10Hindi nila pinalayas ang mga Cananeo na nakatira sa Gezer; kaya may mga Cananeo na nakatira kasama ng mga taga-Efraim hanggang ngayon, pero ginawa silang mga alipin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.